Alamat NG I.D. by Bea Abenes



                                       


Alamat ng I.D.
Noong unang panahon,Sa lungsod ng Butuan may isang magkakapatid na kambal.Sila ay sina Iden at Tity.Sila ay kabighabighaning dalaga dahil sila ay maganda pero paminsan sila ay matigas ang ulo.Ang  kanilang magulang ay sina Rajah at Samuel.Mahal na Mahal nila Ang kanilang mga anak dahil Ito Ang pinakamalaking biyaya na dumating sa kanila.

Isang araw,Sina Iden at Tity ay inutusan ng kanilang Ina na bumili ng kanilang pagkain dahil hindi pa sila kumain ng haponan.Sila ay binalaan na kapag may nakita silang ibon na itim  dapat hindi nila Ito kukunin dahil Ito ay may maitim na kapangyarihan at hindi nila alam kung ano ang magagawa nito.Habang sila ay naglalakad sa kalye nakita nila Ang itim na ibon na sinasabi ng kanilang ina.Sa katigasan ng kanilang ulo Kinuha nila ito. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila kapag kukunin nila ito.Habang pinaglalaruan nila Ito bigla nalang itong naging tao.Ito ay isang bruhaat ito  ang pinakapangit na nilalang na nakita nila sa kanilang buhay.Ang kanyang mukha ay may maraming tagyawat,ang kanyang ilong ay malaki at siya ay may malaking lunal malapit sa kanyang bibig.Pagkatapos,Sa kanilang katakotan sila ay tumakbo pero sila ay parin ay nahuli.Dinala niya sila sa kagubatan at ikinulong sa isang kweba.Habang ang bruha ay natutulog sinubukan nilang tumakas pero sila parin ay nahuli.Pinarusahan sila ng bruha.Ginawa silang isang larawan.Ang kanilang mga magulang ay nag alala  na sa kanila Kung bakit sila matagal bumalik.Lumipas Ang isang linggo Wala paring nakita balita sa  kanila.Ang kanilang mga magulang ay malungkot sa biglaang pagkawala sa kanilang mga anak. Habang si Samuel ay naglalakad sa gubat may nakita siyang isang larawan nagtataka siya na ang mukha nito ay parang kangyang mga anak. Ito Ang naiwan na ala ala sa magkakapatid na kambal.

Sa wakas,Ang magkakapatid na kambal ay naging isang larawan. Ito ay tinawag na I.D. o Identity .Kapag iyong isama Ang kanilang dalawang pangalan gaya ng IdenTity.Ang mga Bata doon sa lungsod ng Butuan ay natatakot na dahil sa kanilang kuwento.Sila na  ay sumusunod  sa kanilang mga magulang ba ka ganun din ang mangyari sa kanila.Dito na nagtatapos Ang aking kuwento.

AUTHOR:BEA LORRAINE P. ABENES

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Ballpen by Crenzyl Azea Cawaling

Character Sketch by Bea Abenes