Alamat ng Ballpen by Crenzyl Azea Cawaling



                                                                     "Alamat Ng Ballpen"




          Noong unang panahon may isang bata sa purok. 2 na nagngangalang Pen. Siya’y mayroong bilugan na mukha at palaging nagtatae. Napakapasaway niyang bata dahil sa tuwing bibilhan siya ng lapis ay mawawala niya ito at ninanakaw niya ang lapis ng kanyang mga kaklase. Alam ni Pen na mali ang gawaing pagnanakaw ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at pinaniwala nalang niya ang kanyang sarili na tama ang kanyang ginagawa.
          Isang araw, nalaman ng nanay ni Pen na nagnakaw uli siya. Kaya naman hindi na maiwasan ng nanay na magalit sa bata, pinagalitan at pinalo niya ito. Ngunit kahit anong saway pa ng nanay sa anak ay hindi naman pinapansin ni Pen. Palagi na lang na bibilhan siya at mawawala. May nanakawin siya at matatae. Hanggang sa pagsapit ng makulimlim na hapon ay kumidlat at kumulog ang kalangitan. Hindi ito pinansin ng nanay dahil narinig niya sa balita na may paparating na bagyo sa lugar nila. Ngunit nagtaka na ang nanay kung bakit hindi pa umuuwi si Pen. Sa mga oras na iyon ay nasa bahay na dapat si Pen ngunit wala pa siya. Nagsimula na siyang mag-alala at kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang isip at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Hinanap niya si Pen sa buong purok nila. Nagtungo siya sa paaralan at sinabi ng mga kaklase ni Pen ay huling nakita ang bata sa abandonadong playground. Nagtungo roon ang nanay pero may nakita siyang malaking hukay. Natagpuan niya ang bag at ang ID ni Pen ngunit ang mismong bata ay wala roon. May nakita siya na parang lapis at nang sinubukang isulat sa papel, naglabas ito ng maitim na parang likido. Inalala ng nanay si Pen at nagsimulang umiyak. Simula noon, tinawag itong ballpen.


Natutunan: "Kung alam mong mali ang iyong ginagawa wag mo nang ipagpatuloy, dahil ang bagay na mali ay hinding hindi magiging tama"

Author: Crenzyl Azea Caawaling

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat NG I.D. by Bea Abenes

Character Sketch by Bea Abenes