Character Sketch by Bea Abenes
Ang aking kaibigan na si Charice Prior ay ang aking pinakamahal na kaibigan dahil matagal na kaming magkasama.Kami ay nagkakilala sa unang araw ng aming pag-aaral sa kindergarten.Hanggang ngayon kami parin ay magkaklase.
Iniisip ng mga lalaki na maganda siya.Sa totoo maganda naman talaga siya .Ang kaniyang buhok ay mahaba at kulay -kape at may maganda siyang mukha.Kapag siya ay nagsusuot ng itim na damit siya ay liliwanag na parang ilaw at palagi siyang nagsusuot ng mga magagandang damit kagaya ng mga whole dress,sleeveless,shorts at iba pa.Mayroon siyang mababait na magulang.Kapag may mga okasyon sa kanila palagi nila akong iniimbita.Sila ay nakatira malapit sa aming bahay.Kami ay magkapitbahay.Noong kami pa elementarya minsan kami ay sabay pupunta sa paaralan at minsan din kapag kami ay uuwi galing sa paaralan.Siya ay may kapatid na babae siya din ay maganda kagaya ng kaniyang ate.Sila ay mabait.Si Charice ay matulungin at mabait.Kung ako ay nangangailangan ng tulong siya ay palaging handang tumulong.Ang kaniyang gusto na kanta ay mga k-pop dahil siya ay nahawa sa aking mga kaklase at siya ay mahilig sumayaw.Nong kami pa ay elementarya kapag may programa sa aming paaralan kami ay pinapasayaw.Siya ang leader ng aming pagsasayaw.
Si Charice ay isang tipong babae na hindi ka talaga bibiguin .Paminsan-minsan kapag kami ay magkasama kaniyang isinasabi sa akin ang kaniyang mga sekreto at sa kaniyang mga kaibigan.Minsan din kapag kami ay magkasama palagi akong masaya dahil minsan nalang kaming magkasama.Miss kuna ang aking kaibigan.Yan ang aking kaibigan .Mahal na mahal ko siya.Sana palagi na kaming magkasama kagaya noon.
Author:Bea Lorraine P. Abenes
It was so nice !!!!Good work Anak!!!
TumugonBurahin